Trumiple ang bilang ng mga Filipinong tumatawag sa hotline ng National Center for Mental Health.
Ayon kay NCMH Director Bernard Argamosa, as of April, nakakatanggap ng average na isang libong tawag kada buwan ang 24/7 hotline ng NCMH.
Higit itong mataas sa 300 hanggang 350 tawag kada buwan mula nuong magsimula ang operasyon nuong may 2019.
Ani argamosa, karaniwan sa mga tumatawag ay dahil sa nararanasang lungkot, nerbyos at anxiety.
Ilan umano sa mga ito ay dati nang na diagnose ngunit marami pa rin umano ang nakakaramdam ng takot dahil sa hindi malamang dahilan o kaya ay kinakatakutan ang posibleng hinaharap lalo’t may nararanasan ngayong pandemya.