Plano ng DILG na limitahan ang bilang ng mga turista at mga imprastruktura sa Boracay.
Kasunod na rin ito ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing the Third nang ginagawang pag aaral ng DENR sa carrying capacity o dami ng tao na kaya ng isla para mapangalagaan ito laban sa pagkasira ng kalikasan.
Pinag aaralan na rin ng DENR ang posibleng pag limita sa mga imprastrukturang itatayo sa isla.
Samantala ipinabatid ni Densing na hindi pa nila tuky kung kailan maaaring simulan ang pagpapa book ng flights ng mga turista at tourist operators.
Una nang inihayag ni DENR Secretary Roy Cimatu na bubuksan muli sa October 26 ang Boracay anim na buwan matapos itong isailalim sa rehabilitasyon.