Tumaas ang foreign tourist arrival ng bansa nitong 2015.
Ayon sa datos ng Department of Tourism (DOT), mula sa 4.83 million tourist arrivals noong 2014, umakyat ito sa 5.36 million na mas mataas ng 10.91 percent.
Pinakamaraming bumibisitang turista sa bansa ay mula sa South Korea, Japan, China, Taiwan, Hong Kong at Macau.
Ipinabatid ng DOT na malaki ang naitulong sa paglago ng turismo sa bansa ay ang mas pinabuting activation sa merkado at maging ang pagkakaroon ng mas malawak na connectivity at access.
By Ralph Obina