Lilimitahan na ng gobyerno ang bilang ng mga turista sa isla ng Boracay sa Malay, Aklan.
Ito, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ay batay sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force na nangangasiwa sa rehabilitasyon ng isla na iprinesenta sa cabinet meeting noong Martes.
Layunin aniya ng hakbang na maiwasan ang overcrowding at polusyon sa pangunahing tourist destination ng bansa.
“Maintain the tourism carrying capacity of 19,215 persons per day; 6,405 arrivals per day. Evaluate the feasibility of utilizing the extra available rooms; promote wetlands utilization for filtering out waste from both soil and water through plant uptake.” Pahayag ni Roque.
—-