Bumulusok ang bilang ng mga foreign tourist sa Pilipinas ng 82% dahil sa pandemya, batay sa ulat ng Department of Tourism.
Ayon kay DOT Office of Tourism Development Planning Chief Warner Andrada, sumadsad sa halos 1.5 milyon ang dumating na dayuhang turista noong isang taon kumpara sa 8.2 milyon noong 2019.
Pinakamababa ang naitala ng kagawaran noong Abril na 948 habang pinaka-mataas noong Enero rin ng taong 2020 na mahigit 796,000.
Ang kitang nagmumula sa mga turistang sa bansa ay lumagpak sa 82.24 million pesos lamang noong isang taon kumpara sa 482.15 billion pesos noong 2019.
Samantala, bumaba naman ng 77.90% ang domestic trips o 24.2 million noong nakaraang taon kumpara sa mula sa 109.7 million noong 2019.
Nananatiling top country ang Korea na may tinatayang 338,000na bilang ng turista na sinundan ng USA, mahigit 211,000 at China na nasa 170,000. —sa panulat ni Drew Nacino