Pumalo na sa 100K ang kabuuang bilang ng mga turistang bumisita sa Palawan.
Ayon sa Palawan Provincial Tourism officer Maribel Buñi, unti-unti nang bumabalik ang sigla ng turismo ng Palawan matapos luwagan ang travel restrictions sa mga turista.
Sinabi ni Buñi na nasa labing limang flights na ang naitala papuntang Palawan at inaasahang mas dadami pa ito para mabawi ang nalugi sa kanilang turismo.
Sa ngayon, nananatili sa Alert level 2 ang Palawan bilang tulong sa muling pagbangon ng ekonomiya ng bansa.
Para sa mga nais magbakasyon sa Palawan, kinakailangan lamang iprisinta ang vaccination card ng isang indibidwal o turista.