Nananatiling numero unong bisita sa Pilipinas ang mga South Korean kada taon.
Pahayag ito ni Tourism Undersecretary Ricky Alegre matapos tumaas ng labing isang porsyento (11%) ang bilang ng mga turistang dumating sa bansa noong nakaraang taon.
Ayon kay Alegre, mula sa mahigit lamang sa limang milyon, pumalo sa mahigit sa anim at kalahating milyon ang bumisitang dayuhan sa bansa noong 2017.
Pumapangalawa aniya sa South Korea ang China, at pumangatlo ang US.
Samantala, nananatiling numero unong destinasyon naman ang Cebu, Boracay at Palawan.
Umabot tayo [noong 2017] sa 6,620,000.
Noong 2016, umabot lang tayo ng 5.9 [million].
Nangyare ‘yung pag-angat despite ‘yung mga sunod-sunod na insidente na nangyare noong 2017, siyempre unang-una ‘yung martial law, ‘yung sa Mindanao ‘yung Marawi incident, nagkaroon pa ng isyu sa Bohol, nagkaroon pa ng isyu sa isang hotel sa Pasay City.