Inihayag ng lokal na pamahalaan ng Cebu na bumaba ng 40% ang tourist arrival ng mga Chinese matapos pumutok ang isyu ng novel coronavirus sa lalawigan.
Itoy makaraang mapaulat na ang kauna-unahang biktima ng nCoV sa bansa ay isang Chinese national na mula sa China at nagtungo sa lalawigan ng Cebu.
Ayon sa Cebu LGU, inaasahan nila na posibleng bumaba pa ang tourist arrival sa kanilang lalawigan ngayong naipatupad na ang 14-day quarantine period para sa lahat ng mga bisitang manggagaling ng China.
Base sa datus, umaabot noon sa 1,000 hanggang 1,500 na mga turistang Chinese ang dumarating sa Cebu kada araw, ngunit dahil sa nangyaring cancellation of flights, malaki ang ibinaba ng bilang ng mga bumibisitang turista sa kanilang lalawigan.