Asahan na ang mas mabilis at walang aberyang biyahe sa Metro Rail Transit Line 3.
Ito’y makaraang umabot na sa labingpito ang bilang ng mga umaandar nilang tren.
Ayon sa Department of Transportation, idineploy ang ika-labingpitong tren dakong ala sais singkwenta kagabi.
Nobyembre 16 pa nang huling mag-deploy ang MRT ng labing-pitong tren.