Nasa 11.9 na milyong Pilipino ang walang trabaho sa ikatlong kwarter ng 2021.
Base sa resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey, nasa 24.8% ito, na mas mababa sa 27.6% na naitala sa nagdaang three-month term annual average.
Aabot sa 1,200 ang lumahok sa naturang survey na isinagawa mula September 12 hanggang 16. —sa panulat ni Joana Luna