Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga nasa edad 10 hanggang 14 o very young adolescents na naganganak.
Sinabi ni Commission on Population Development (POPCOM) Executive Director Undersecretary Juan Antonio Perez na batay sa pinakahuling datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) mula sa 1, 958 births noong 2017 umakyat ito sa 2, 250 noong 2018.
Mula anila noong 2011 na may 1, 381 ay umakyat ito ng 63% noong 2018 o 2, 230.
Bumaba naman ang bilang ng mga nasa edad 15 hanggang 19 o adolescents ang nagsisilang ng sanggol kung saan mula sa 182, 906 noong 2017 bumaba ito patungong 181, 717 noong 2018.
Ilan sa nakitang dahilan ni Perez ng pagtaas ng bilang ng mga very young adolescents na nanganganak ay dahil sa maagang pagreregla, child marriage at internet access.
Nahihiya rin aniya ang mga ito na magtanong sa mga nakakatanda kaya maagang nabubuntis bukod pa sa hindi masyadong pinapansin ng mga institusyon na pinupuntahan ng mga ito.