Isa punto walo (1.8) milyong mga botante na lamang ang nililigawan ng Commission on Elections (COMELEC) para makuhanan ng kanilang biometrics.
Ayon kay COMELEC Chairman Andy Bautista, kasunod ito ng kanilang ginagawang paglilinis sa voter’s list mula sa mga doble registrant at flying voter.
Positibo aniya ang COMELEC na magiging matagumpay ang kanilang kampanyang no bio, no boto campaign sa pakikipagtulungan ng ilang malls sa buong bansa.
Samantala, bukas pa malalaman kung sa Smartmatic nga muling mapupunta ang kontrata sa refurbishment ng mga Precinct Count Optical Scan o PCOS machine.
Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, bukas palamang bubuksan ang tatlong bidding document kasama na ang sa Smartmatic.
Kinuwestyon naman ni Bautista ang electoral sabotage case na inihain ng grupo ni dating COMELEC Commissioner Gus Laman laban sa Smartmatic.
By Rianne Briones | Kasangga Mo Ang Langit