Inaasahan na ang paglobo pa ng bilang ng mga taong walang trabaho sa buong mundo.
Ayon sa International Labor Organization o ILO, ito ay dahil sa mabagal na paglago ng mga ekonomiya at kakulangan sa pamumuhunan.
Iniulat ng ILO na dahil sa kabiguang makalikha ng mga trabaho, inaasahang tataas ng 5.7 percent o katumbas ng 3.4 na milyong tao ang madaragdag sa bilang ng mga walang trabaho ngayong 2017.
Dahil dito, tinayang nasa 201 milyon ang inaasahang magiging kabuuang bilang ng global unemployment.
By Ralph Obina