Pinangangambahang umabot pa sa mahigit 200 milyong indibiduwal ang maitalang walang trabaho pagsapit ng taong 2017.
Ito ang lumabas sa isinagawang pag-aaral ng International Labor Organization o ILO.
Ayon kay Guy Ryder, Director General ng ILO, malaking bagay aniya para mabawasan ang trabaho ay ang pagbaba ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
Nakasaad pa sa report na kadalasang bumabagsak ang employment rate sa mga emerging at developing countries dahil na rin sa makabagong takbo ng ekonomiya at teknolohiya.
By Jaymark Dagala