Dumami ang bilang ng mga walang trabaho sa 19.5 % sa ika-4 na bahagi ng nakaraang taon.
Batay ito sa resulta ng Social Weather Station Survey na isinagawa noong December 2023.
Katumbas ito ng 9.4 million na Pilipino na walang trabaho.
Mas mataas ito ng 2.6 % kumpara sa 16.9 % o 7.9 million na walang trabaho noong Setyembre. – sa panunulat ni Charles Laureta