Umakyat na sa 3,440 ang kabuuang bilang ng mga pasaherong na-stranded at apektado ng bagyong Odette sa mga pantalan sa bansa.
Base sa datos ng Philippine Coast Guard, 78 vessels at 1,665 na rolling cargoes at 11 motorbanca ang nakatengga dahil sa nasabing panahon.
Samantala, nakahanda na ang deployable response group ng coast guard para sa paglikas at pagtulong sa mga maaapektuhan ng bagyo kung saan nakipag-ugnayan na rin ito sa mga lokal na pamahalaan. —sa panulat ni Airiam Sancho