Umakyat na sa mahigit 1 – M indibidwal ang naapektuhan ng malakas na pag-ulan at pagbaha sa Mindanao.
Batay sa tala ng Department of Social Welfare and Development, katumbas ito ng 307,262 families mula sa mga lalawigan ng
Agusan del sur
Davao de oro
Surigao del sur
Davao oriental
Davao del norte
Davao del sur
Davao occidental
Aabot naman sa 19,424 families o 71,454 individuals ang nanunuluyan sa 219 evacuation centers habang nasa 85,936 families o 327,267 individuals ang nanunuluyan sa kani-kanilang kaanak.
Umabot naman sa 449 ang nasirang mga bahay habang nasa 652 ang bahagyang napinsala.
Sa ngayon, pumalo na sa 70 million pesos na ang halaga ng humanitarian assistance ang naipamahagi ng DSWD at iba pang ahensya ng gobyerno sa mga apektado ng tag-ulan sa Mindanao.