Umabot na sa 24 na indibidwal ang naaresto ng PNP o Philippine National Police dahil sa vote buying.
Ayon kay PNP Director of Operations Police Major General Ma- O Aplasca, bukod sa mga naaresto ay 2 iba pa ang natakas at pinaghahanap pa.
Naitala aniya ang naturang mga vote buying incident sa Region 4-A at Cordillera Administrative Region.
Una nang nagpaalala ang COMELEC na mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta at pagbili ng boto.