Inihayag ng Department of Health (DOH) na mahigit 2-M indibidwal pa lamang ang nakakatanggap ng COVID-19 booster shot sa ilalim ng “Pinaslakas Campaign”
Ito ay kahit puspusan ang hakbang ng kagawaran para ilapit sa publiko ang bakuna laban sa COVID- 19.
Sa 23-M target na mabakunahan sa unang 100 araw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa Oktubre ay nasa 2.1-M pa lang ang nakakakuha nito.
25,638 ang mga senior citizen na natuturukan mula sa 1.07-M target.