Nanatili sa 33% ang COVID-19 vaccination coverage sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) mula sa target ng pamahalaan na 70% bago magtapos ang termino ng kasalukuyang administrasyon.
Ayon kay National Vaccination Operations Center (NVOC) Chairperson at Health Undersecretary Dr. Myrna Cabotaje, 1.1 milyon mula sa 3.5 milyong populasyon ng BARMM nabakunahan na laban sa COVID-19.
Nabatid na nauna nang tinukoy ng Department of Health (DOH) ang ilan sa mga hamon sa paglulunsad ng pagbabakuna sa rehiyon, kabilang ang pag-aalangan sa bakuna, limitadong manpower, fake news, late na pagpapasa ng daily vaccination report, at kakulangan ng suporta mula sa mga lider ng lokal na pamahalaan.