Umabot na sa 512 Vote Counting Machines (VCMs) ang nagka-problema habang sumasailalim sa final testing and sealing.
Sa prosesong ito malalaman kung magkakaproblema ang mga VCMs hanggang sa araw ng eleksyon.
Batay sa datos, mula sa 355 na nagka-problemang VCMs nitong Huwebes ay umabot na ito sa 512 kung saan 116 na ang napalitan.
Tiniyak naman ni COMELEC Commisioner Marlon Casquejo na minor lamang ang karamihan sa naging problema ng vcms, at kaya itong ayusin sa mga repair hub na inilagay sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Sa datos ng COMELEC, nasa 65, 857 na VCMs ang dumaan sa pinal na pagsusuri na katumbas ng 62% mula sa mahigit 106K na VCMs na gagamitin sa eleksyon 2022.
91 na SD cards na rin ang nagka-problema na agad ding pinalitan.