Pumalo na sa mahigit kalahating milyon ang bilang ng mga Pilipinong nagkaroon ng trabaho sa bansa mula nang luwagan ang quarantine restrictions ng pamahalaan.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, malaking tulong ito sa inilabas na report ng Philippine Statistics Authority o PSA kung saan, sumirit sa 3.88 milyon ang unemployment rate sa bansa sa buwan ng Agosto.
Ngayong marami nang negosyo at establisyimento ang muling nagbukas ay marami na rin ang nagbalik sa kani-kanilang mga trabaho dahil sa tulong narin ng gobyerno. —Sa panulat ni Angelica Doctolero