Dumarami ang mga residente ng Metro Manila na nagpapabakuna kontra COVID-19.
Ito’y sa kabila ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa ilang lalawigan sa bansa.
Ipinabatid ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos sa lahat ng lungsod na kanilang pinuntahan ay halos dumoble ang mga nagpabakuna.
Dahil dito, posibleng kayanin ng Metro Manila ang challenge na makapagturok ng 250 indibidwal kada araw.
Samantala, nagpaalala muli ang Local Government Units (LGUs) sa publiko na sundin ang mga ipinatutupad na health protocols upang hindi na kumalat lalo ang naturang variant sa bansa.