Pumalo na sa 137,363 ang bilang ng mga nagparehistro sa nagpapatuloy na voters registration sa bansa.
Para ito sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na magaganap sa December 5 ngayong taon.
Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Spokesperson, Atty. John Rex Laudiangco, 77,508 sa mga nagparehistro ay edad 15 hanggang 17.
Habang 50,113 ang edad 18 hanggang 30 anyos at 9,742 ang 31 pataas.
Samantala, nakapagproseso rin ang COMELEC ng 202,827 applications para sa paglilipat o pag-transfer ng lugar na pagbobotohan, pagpapalit ng pangalan, correction of entries at iba para naman sa local at overseas absentee voters.