Nakapagtala ng mas mababa sa 100 na average daily cases ang NCR sa unang pagkakataon mula Marso 2020.
Ayon sa OCTA Research Group, 91 na kaso na lamang ang naitatala kada araw sa rehiyon mula December 6 hanggang 12, na mas mababa sa 105 daily cases mula Disyembre 1 hanggang 7.
Bumaba na rin ang average daily attack rate (ADAR) sa 0.64 sa kada 100,000 populasyon.
Habang nasa 0.9% na lamang ang positivity rate at 0.39 ang reproduction number.
Sinabi ng OCTA na nasa “very low risk” classification na ang Pateros, Caloocan, Las Piñas, Mandaluyong, Parañaque, Marikina, Pasig, Navotas, Valenzuela, San Juan, Manila, Pasay at Taguig habang nasa ”low risk category naman ang Quezon City, Muntinlupa, Malabon at Makati.