Nadagdagan pa ang bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Batay sa PNP health service, 111 ang nadagdag sa nahawa sa COVID-19 para pumalo sa kabuuang 48,086 ang kabuuang kaso.
Nasa 1,597 dito ang aktibo.
207 naman ang nadagdag sa mga gumaling para umabot sa 46,363 ang total recoveries.
Habang nananatili sa 126 ang mga nasawing pulis sa hanay ng PNP dahil sa COVID-19. —sa panulat ni Abby Malanday