Pumalo na sa 32,760 ang kabuuang bilang ng mga dinapuan ng COVID-19 sa hanay ng pambansang pulisya.
Sa tala ng PNP Health Service, ito’y makaraang maitala ang karagdagang 140 na mga dinapuan ng virus.
1,983 ang nananatiling aktibong kaso ng COVID-19.
30,679 na ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa COVID-19 matapos na maitala ang 139 na mga bagong gumaling.
2 naman naitalang bagong nasawi sa COVID-19 kaya’t sumirit na sa 98 ang mga nasawing pulis sa COVID-19.