Pumalo na sa 900 ang nagpositibo sa COVID-19 sa lungsod ng Navotas.
Ito’y matapos makapagtala ang lungsod ng 15 bagong kaso ng nasabing virus.
Ayon kay Navotas Mayor Toby Tiangco, nasa mahigit kalahati o katumbas ng 57% sa mga ito ang active cases.
Batay sa datos, nasa 516 ang bilang ng mga active cases habang asymptomatic naman ang nalalabing bilang.
Nasa 325 ang kabuuang recoveries habang 59 naman ang nasawi sa nasabing lungsod.