Dalawang linggo bago ang deadline ng sim registration, wala pa sa kalahating porsyento ang nairehistrong sim card mula sa target na itinakda ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
Batay sa datos ng DICT nitong ika-siyam na Abril, kabuuang 64,114,57 pa lamang ang sim card na naipatala, 37.94% ng kabuuang target na 168.977 million.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming nairehisrong sim card ang SMART Communications na may 32.03 million, Globe na may 27.2 million at DITO Telecommunity na may 4.8 million.
Mayroong hanggang Abril 26 ang mga Pilipino para lumahok sa programa.
Ang pagkabigong sumunod sa ipinag-uutos na pagpaparehistro ay magreresulta ng pag-deactivate ng sim.