Inihayag ng Dagupan City Health Office na nakitaan nila ng pagtaas ang naitatalang kaso ng rat bite sa lungsod.
Batay kasi sa datos ng DCHO, dalawa hanggang tatlong rat bite cases ang kanilang naitatala kada araw.
Anila, dumudulog sa kanilang tanggapan at sa mga health center ang kanilang mga residente para humingi o magpaturok gamot gaya ng Anti-tetanus at Anti-rabies
Mayroon naman daw sapat na supply ng Anti-rabies vaccines ang naturang city health center para sa mga pasyenteng biktima ng kagat ng hayop.
Sa ngayon, pumalo na sa halos tatlong libong animal bite cases ang naitala sa Dagupan simula lamang noong Enero hanggang Mayo ng kasalukuyang taon.