Pumalo na sa 38,746,501 doses ng bakuna kontra COVID-19 ang naiturok na sa buong bansa.
Ayon sa National Task Force Against COVID-19, 21,951,956 nakatanggap ng unang dose ng bakuna habang 16,794,545 naman ang nakakumpleto na ng dalawang dose ng COVID-19 vaccine.
Habang aabot na sa 415,362 doses kada araw ang average na bilang ng mga bakunang naituturok sa Pilipinas sa nakalipas na pitong araw.
Sinabi naman ni Vaccine Czar at NTF Chief Implementer Sec. Carlito Galvez Jr., na mas marami pang suplay ng Pfizer, Moderna, at Astrazeneca vaccines ang dadating sa bansa sa mga susunod na buwan. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico