Mula sa 10,117 na naitalang kabuuang kaso ng nagpositibo sa Coronavirus Disease (COVID-19) sa hanay ng Philippine National Police (PNP) ngayong Enero 30, nakapagtala naman ng karagdagang 35 pulis ang gumaling na mula sa COVID-19 ngayong Sabado.
Bunsod nito, umabot na sa 9,502 ang kabuuang gumaling na o nakalabas na sa ospital na mga pulis na tinamaan ng naturang virus habang hindi naman gumalaw ang bilang ng mga nasawi na nasa 28 pa rin.
Sa kabuuan, 587 na ang kabuuang bilang ng lahat ng nasawi dulot ng COVID-19 .—sa panulat ni Agustina Nolasco