Sumampa na sa 1,598,314 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito’y makaraang makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 11,714 na bagong recoveries.
Batay sa pinakabagong datos ng DOH, nagkaroon naman ng 14,249 na bagong infections kaya’t sumirit na sa 1,727,231 ang total cases.
Sa nasabing bilang, nasa 98,847 ang mga aktibong kaso.
Samantala, dahil naman sa 233 na COVID-19 fatalities ay umakyat na sa 30,070 ang death toll sa buong kapuluan.