Dumami ang naitatalang daily COVID-19 deaths sa loob ng dalawang linggo sa Zamboanga City.
Ayon sa Zamboanga City Medical Center, umaabot sa anim hanggang pito ang average na bilang ng nasasawi kada araw dahil sa COVID-19 sa lugar.
Sa ngayon ay nasa 805 na ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang siyudad.
Sinabi naman ng Zamboanga City LGU na kapos na rin sila sa hospital beds at oxygen supply, at maging ng mga kabaong.
Sa datos ng Department of Health-Zamboanga Peninsula hanggang nitong Oktubre 13, umabot na sa 2,687 ang mga aktibong kaso sa Zamboanga City. —sa panulat ni Hya Ludivico