Sumapa na sa 349 na sibilyan na patay sa bakbakan sa lungsod ng Hodeidah, Yemen, simula pa noong Hunyo 13.
Sumiklab ang sagupaan matapos salakayin ng pinagsanbib na puwersa ng Saudi Arabia, United Arab Emirates at Yemeni government ang lungsod na kontrolado ng mga Houthi rebel.
Ayon sa grupong Save the Children, 51 porsyento ng halos 700 civilian casualties simula Hunyo hanggang Agosto ay matatagpuan sa Hodeidah.
Batay naman sa pagtaya ng United Nations (UN), aabot na sa 50,000 ang patay sa tatlo’t kalahating taong digmaan kabilang ang 6,600 sibilyan at 2,300 bata ang namatay sa sakit tulad ng cholera.
Samantala, nababahala na ang UN sa nagbabadyang malawakang taggutom o famine sa Yemen sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga apektado ng giyera na aabot na sa mahigit tatlong milyong katao o 12 porsyento ng populasyon ng bansa.