Bumababa na ang bilang ng namamatay sa COVID-19 sa bansa.
Inihayag ni DOH Spokesperson, Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nasa 3,658 na lamang ang kabuuang bilang ng mga namatay noong Setyembre kumpara sa 4,962 noong Agosto.
Ang death toll noong Agosto ay ang bagong peak kung saan umabot sa 160 ang nasasawi kada araw pero bumaba na nitong setyembre sa 122 kada araw.
Sa unangtatlong araw naman ng Oktubre, umabot anya sa 42 ang namatay dahil sa COVID-19.
Bagaman patuloy ang pagbaba ng active cases maging ang death toll, nananatili sa moderate risk ang status ng bansa.