Patuloy ang pagtaas ng bilang ng kaso ng leptospirosis ngayong tag-ulan.
Sa National Kidney and Transplant Institute sa Quezon City, sumampa na sa 18 ang namamatay habang 10 sa East Avenue Medical Center.
Ayon sa Department of Health, aabot na sa 1,040 ang kaso ng Leptospirosis simula Enero hanggang Hunyo kumpara sa 674 sa kaparehong panahon noong isang taon.
Pinaka-marami ang naitatalang kaso sa Zamboanga Peninsula, Caraga, MIMAROPA, ARMM at Western Visayas.
Nito lamang Hulyo a-Uno aabot sa 261 ang nagkasakit sa National Capital Region kung saan pinaka-marami ang naitala sa mga lungsod ng Quezon, Maynila, Taguig, Parañaque at Caloocan.