Umakyat na sa tatlo ang patay dahil sa bagyong Jolina.
Gayunman, ayon sa NDRMMC, isa pa lamang na nasawi mula sa Marinduque ang kumpirmado habang bini-verify pa ang dalawa mula sa Naro, Masbate na pawang mga mangingisda habang apat naman ang naitalang sugatan.
Samantala, batay sa pinakahuling datos ng NDRRMC pumalo na sa halos 21,000 pamilya o katumbas ng mahigit 83,000 indibidwal ang apektado ng kalamidad.
Nasa 31 naman ang naitalang nawawala mula sa Naro, Masbate, Catbalogan, Samar, Masbate at Culuba, Biliran.