Pumalo na sa 37 o katumbas ng 270% ang bilang ng mga nasawi dahil sa cholera ngayong taon.
Sa datos ng Department of Health (DOH), mula January hanggang October, umabot na sa 3,980 ang kaso ng naturang sakit sa bansa na mas mataas sa kumpara sa 1,077 na naiulat sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Ayon sa DOH, nakapagtala na ng 245 na kaso ng cholera mula noong september hanggang ngayong buwan sa bansa.
Pinakamaraming naitalang kaso ng cholera sa Region 8 na may 147 kaso o 60%; sinundan ng Region 6 na may 51 o 21%; at Region 5 na mayroong 26 o 11%.