Nadagdagan pa ng 84 ang bilang ng mga nasawi bunsod ng COVID-19.
Sa pinakahuling datos na inilabas ng Department Of Health o DOH, umakyat na sa 27, 401 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa virus.
Habang, 1,484,714 naman ang bilang ng mga nakarekober sa virus matapos na madagdagan ng 6,149 ng mga bagong gumaling dito.
4,478 naman ang bagong bilang ng mga dinapuan ng virus kaya’t nasa 1,566,667 na ang kabuuang bilang ng mga dinapuan ng virus.
Samantala, sa naturang bilang, 54, 552 ang nananatiling atibong kaso nito.