Sumampa na sa 22 katao ang namatay matapos uminom ng lambanog sa lalawigan ng Laguna at Quezon.
Pinangalanan ang huling biktima na si Enrico Magbuhos mula sa Quezon, na nakaranas ng pananakit ng tiyan at ulo bago mawalan ng malay.
Galing pa rin umano ang ininom na lambanog ng mga biktima sa Rey’s lambanog sa Candelaria.
Samantala, muli namang nanawagan ang Department of Health (DOH) na hanggat maari ay wag na muna uminom ng naturang alak.