Umakyat na sa dalawandaan at dalawampu’t dalawa (222) ang bilang ng mga naitalang nasawi at mahigit walong daang (800) naman ang mga nasaktan sa nangyaring volcanic tsunami sa Indonesia.
Ayon sa tagapagsalita ng ahensya ng Disaster Mitigation, halos walang senyales ang pagtama ng tsunami na ikinapinsala ng daan-daang kabahayan at mga gusali.
Libo-libong mga residente rin ang napilitang mag-evacuate sa mas mataas na kalupaan.
Samantala, nagbunsod naman ng paggunita ang panahon ng naturang pangyayari sa nangyari ding tsunami sa karagatang Indyo dahil sa isang pagyanig noong December 26, 2004 na ikinasawi ng mahigit dalawandaang libong (200,000) katao sa labing apat na bansa kabilang na ang mahigit isandaang libong (100,000) katao sa Indonesia.
—-