Inihayag ng Department of Health (DOH) na bagamat nananatili pa rin sa low risk ang bansa ay muling dumadami ang mga dinadala sa ospital bunsod ng COVID-19.
Batay sa datos ng DOH, sumampa na sa 23.8 % ang mga okupadong kama na nakalaan para sa mga tinamaan ng nasabing virus, habang 18.3 % naman ng icu beds ang okupado na.
Mababatid naman na patuloy tumataas ang bilang ng mga naitatalang bagong kaso ng naturang impeksyon sa bansa kung saan nakapagtala kahapon ng 2,285 na karagdagang kaso.