Sumampa na sa 603 ang mga napapatay na terorista sa mahigit tatlong buwan na bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at Maute terror group sa Marawi City.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Joint Task Force Marawi Spokesperson Captain Joan Petinglay, tinatayang nasa 50 nalang mga nalalabing terorista sa loob ng Marawi City kabilang ang kanilang mga lider na sina isinilon Hapilon at Abdullah Maute.
Umaabot naman sa 661 ang mga narerekober na armas ng mga kalaban.
Samantala, umabot naman sa 130 ang nalagas sa panig ng pamahalaan at napako na sa 45 ang mga nasawing sibilyan.