Halos tatlundaan walumpu (380) na ang patay sa mahigit isang buwang sagupaan ng mga tropa ng gobyerno ISIS-Maute group sa Marawi City, Lanao del Sur.
Pinakamarami ang nasawi sa panig ng teroristang grupo na dalawandaan animnapu’t walo (268) habang nasa animnapu’t walo (68) ang nalagas sa hanay ng gobyerno.
Tinatayang limampung (50) sibilyan din ang patay sa sagupaan subalit ilan pa lamang sa kanilang bangkay ang narerekober.
Samantala, inihayag ng Armed Forces of the Philippines o AFP na maaaring umabot sa apatnaraan (400) ang death toll lalo’t may mga nalalabi pang miyembro ng Maute ang naipit sa kanilang sinasabing “stronghold.”
By Drew Nacino
Bilang ng napatay sa bakbakan sa Marawi halos 380 na was last modified: June 23rd, 2017 by DWIZ 882