Umabot na sa 6, 248 indibidwal ang napatay sa gitna ng kampanya kontra iligal na droga sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Batay sa datos ng Philippine Drug Enforcement Agency hanggang Abril a-30, nagmula ang tala sa 341, 494 naarestong suspek sa kabuuang 236, 620 operasyon.
Nasa 10, 410 barangay naman ang ‘cleared’ na sa iligal na droga, habang 25, 061 ang drug free dalawang buwan bago matapos ang termino ni Pangulong Duterte.
Sa bilang ng naaresto, 15, 096 sa mga ito ay ikinokonsiderang high-value targets.