Tumaas pa ang bilang ng mga nabibiktima ng paputok sa nakalipas na pagsalubong sa Bagong Taon 2016.
Batay sa pinakahuling tala ng Department of Health o DOH, sumampa na sa 929 ang bilang ng mga nasugatan dahil sa paputok habang isa naman ang nasawi.
Ayon kay Health Secretary Janette Garin, naitala ang nasabing bilang mula Disyembre 21 noong isang taon hanggang Enero 5 ng taong kasalukuyan.
Kasama sa nasabing bilang ang pitong kaso ng stray bullet o tinamaan ng ligaw na bala na nasa edad 14 na taong gulang pababa.
Dagdag pa ni Garin, mas mataas aniya ng apat na porysento ang nasabing bilang ng mga nabibiktima ng paputok kumpara sa parehong panahon noong isang taon.
By Jaymark Dagala | Aya Yupangco (Patrol 5)