Umabot na sa 5 ang bilang ng nasawi habang 4 ang nawawala at 2 ang nasugatan sa nagpapatuloy na pag-ulan dulot ng habagat na pinalakas ng bagyong Falcon.
Kinilala ang mga biktima na sina John Kevin Jacinto, 19-anyos, na tinangay ng San Juan River sa Quezon City;
Demetrio Ylasco, 74-taong gulang at Aljon Lapitag Junior at Irene Lumugho, 1-taong gulang na pawang residente ng Meycauayan, Bulacan at Koreanong si Heo Seung Yung, 45-anyos na nalunod matapos mag-dive sa Cebu.
Tinaya naman sa 380 pamilya o nasa 1,800 katao na ang apektado ng kalamidad sa Regions 3, 4-A at NCR.
By Drew Nacino