Posibleng umakyat pa sa mahigit 60 ang bilang ng mga nasawi dahil sa bagyong Usman.
Ito’y oras na ma-beripika ng NDRRMC o National Disaster Risk Reduction and Management Council kung ang lahat ng naturang bilang ng mga nasawi ay may kinalaman sa Low Pressure Area na dating bagyong Usman.
50 sa naturang bilang ay nagmula sa iba’t ibang lalawigan sa Bicol, habang 11 naman dito ay nagmula sa Western Visayas.
18 naman ang naitalang bilang ng mga nawawala sa dalawang rehiyon at may mga sugatan din mula sa Bicol region at MIMAROPA.
Samantala, aabot naman sa halos 400,000 pamilya ang nakatanggap ng tulong tulad ng family food packs mula sa Department of Social Welfare and Development.
Bilang ng mga nasawi dahil sa Bagyong Usman, posibleng pumalo pa sa 61 ayon sa NDRRMC |@dwiz882pic.twitter.com/yv3HxzidHQ
— ♕Jaymark Dagala♕ (@jaymarkdagala) December 31, 2018