Nadagdagan pa ang bilang ng mga napaulat nasawi bunsod ng pananalasa ng bagyong Jolina.
Ayon sa pinakahuling ulat ng National Disater Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, umabot na sa 19 ang kabuuang bilang ng nasawi kung saan tatlo sa mga ito ang kumpirmado habang 16 naman ang patuloy na bineberipika.
Nasa 24 naman ang nasugatan habang nananatili sa lima ang nawawala.
Samantala, umakyat naman sa mahigit P1.1 bilyon ang halaga ng pinsala na naitala sa sektor ng agrikultura at imprastraktura dahil sa bagyong Jolina.
Iniulat din ng NDRRMC na 15,790 na mga kabahayan ang nasira kung saan 15,190 dito ang partially damaged habang 600 naman ang lubhang winasak ng bagyo.—sa panulat ni Hya Ludivico